COVID-19 cases ng bansa tumalon ng 1,912, pumalo sa lagpas 494,000
Sinusubukan ng mga debotong ito na sumunod sa isang metrong physical distancing habang nasa Pista ng Itim na Nazareno, ika-9 ng Enero, 2021
AFP/Ted Aljibe

COVID-19 cases ng bansa tumalon ng 1,912, pumalo sa lagpas 494,000

(Philstar.com) - January 14, 2021 - 4:09pm

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health ang nasa 1,912 sariwang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease ngayong Huwebes, dahilan para lumobo patungong 494,605 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakamamatay na sakit.

Nasa 25,614 diyan ang itinuturing na "aktibong kaso" o mga patuloy na nagpapagaling sa karamdaman.

Umabot naman sa 40 ang bagong naitalang patay, kung kaya'y nasa 9,739 na ang binabawian ng buhay sa Pilipinas dulot ng COVID-19. Sa kabila niyan, 459,252 na ang mga gumaling dito.

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

  • Davao City, 136 (general community quarantine)
  • Quezon City, 107 (GCQ)
  • Agusan del Sur, 61 (modified general community quarantine)
  • Dagupan City, 53 (MGCQ)
  • Cavite, 51 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw? Kagabi lang nang kumpirmahin ng DOH na nakapasok na ng Pilipinas ang kinatatakutang United Kingdom variant ng COVID-19, na siyang mas nakahahawa sa karaniwan: hanggang 70%.

Ang nasabing pasyente, isang 29-anyos na Pilipino mula Quezon City, ay sinasabing nanggaling mula sa United Arab Emirates. Pagpupulungan na raw ng gobyerno kung isasama ang UAE sa 33 bansang pinapatawan ng travel restrictions bunsod ng bagong COVID-19 variant.

Basahin: 'Bagong COVID-19 variants': Ano ang mga 'yan at bakit delikado, kinatatakutan?

Batay din sa mga datos, ngayon ang ikaapat na sunod na araw na hindi bumababa ang "active COVID-19 cases" sa Pilipinas. Mula 20,087 noong Linggo, umakyat sa 25,614 ang patuloy na nagpapagaling.

Umaabot na sa 90.33 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, halos 2 milyon na ang pumapanaw. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with