UAE nais isama sa 'travel ban' ngayong mas nakakahawang COVID-19 variant nasa bansa na
Papauwi ng Pilipinas ang mga pasaherong ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa August 2020 photo na ito
The STAR/Edd Gumban, File

UAE nais isama sa 'travel ban' ngayong mas nakakahawang COVID-19 variant nasa bansa na

(Philstar.com) - January 14, 2021 - 12:48pm

MANILA, Philippines — Inirerekomenda na ngayon ng Department of Health sa Malacañang na isama na ang United Arab Emirates sa mga bansang isasara sa Pilipinas ngayong nakapasok na ng Pilipinas ang kinatatakutang United Kingdom variant ng coronavirus disease.

Nanggaling kasi sa Dubai ang 29-anyos na Pinoy na nakitaan ng mas nakahahawang UK COVID-19 variant sa Quezon City matapos sumakay sa Emirates Flight EK 332. Wala ang UAE sa 33 bansang may travel restrictions.

Basahin: Philippines confirms first case of new COVID-19 variant

May kinalaman: 'Ayaw sumagot': Nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant inii-snob tawag ng DOH

"We would be recommending to the Office of the President the inclusion. Isasama na po natin sa talaan ng may infected UK variant ang UAE," ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, Huwebes.

"Wala naman kaming duda na ito'y aaprubahan ng Office of the President."

Ang UAE ay kilalang popular na destinasyon para sa mga overseas Filipino workers at mga biyaherong nagbabakasyon. Ang problema, hanggang 70% na mas nakahahawa ang UK variant na dumapo sa Pinoy matapos manggaling sa naturang bansa.

Dagdag pa ni Duque, kahit na hindi pa pormal na kasama ang UAE sa may travel restrictions ay isasama na raw sila ng DOH sa papatawan ng mga bagong protocol.

"Meron na tayong panibagong protocol patungkol sa mga bansa kung saan nag-travel restriction... at 'yun po ang ating gagamitin na protocol. Even po UAE."

Sa kasalukuyan, pinapatawan ng travel ban ang mga sumusunod na bansa epektibo hanggang bukas, ika-15 ng Enero, 2021: 

  • United Kingdom
  • United States
  • Portugal
  • India
  • Finland
  • Norway
  • Jordan
  • Brazil
  • Denmark
  • Ireland
  • Japan
  • Australia
  • Israel
  • The Netherlands
  • Hong Kong
  • Switzerland
  • France
  • Germany
  • Iceland
  • Italy
  • Lebanon
  • Singapore
  • Sweden
  • South Korea
  • South Africa
  • Canada
  • Spain
  • Austria
  • China
  • Luxembourg
  • Oman
  • Pakistan
  • Jamaica

Hindi pa naman nae-extend ang nasabing travel restrictions.

Pag-uusapan na raw nila ngayon ng gobyerno kung papatawan ng 14-day mandatory quarantine ang lahat ng mga returning passengers kahit yaong mga hindi naman nanggaling sa mga bansang may travel restriction.

Wala kasi sa listahang 'yan ang pinuntahan ng Pinoy na dinapuan ng mas nakahahawang mutation ng sakit.

"Baka kailanganin na talagang magsagawa ng mandatory quarantine for all, even those coming from countries not having reported the UK variant," ani Duque.

Sa huling ulat ng DOH, umabot na ng 492,700 ang tinatamaan ng COVID-19 ng Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 9,699 katao.

Total travel ban?

Nananawagan naman ngayon ang isang mambabatas na tuluyang isarado sa lahat ng bansa ang Pilipinas kasunod na rin ng mga pangyayaring ito.

"Bar everyone from entering the country starting now. We told you so but you refused to listen," ani BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co.

"The overly-cautious stance of the [Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases] on imposing travel bans on foreign nationals while allowing Filipinos to return to our country has become untenable and indefensible with the confirmed entry into the country of the more contagious strain of the coronavirus that causes COVID-19."

Pangamba tuloy ni Co, maaaring hindi na lang ang 29-anyos na Pinoy ang nahahawaan ng bagong variant. 

Aniya, patunay daw ang paglusot ng nasabing pasahero na "ineffective" ang kasalukuyang approach ng IATF-EID. 

"Impose a total travel ban now on all Filipinos and foreigners entering the country starting today. Although belated, this move will prevent the entry of more people with the coronavirus, including the more contagious strains out there," sabi niya. — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

DUBAI NOVEL CORONAVIRUS TRAVEL BAN UNITED ARAB EMIRATES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with