20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.
Andrew Matthews/POOL/AFP

20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.

“Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less 20 million doses para sa AstraZeneca,” wika ni Galvez kahapon.

Sinabi rin ni Galvez na hindi nahuhuli ang Pilipinas sa pagbili ng bakuna.

Ang tripartite supply agreement ay sa pagitan ng national government, local government units at gumagawa ng bakuna.

“After the signing tomorrow, magkakaroon ng tripartite supply agreement na pi-pirmahan ng national govern­ment, LGU (local government units), at vaccine maker. Ang res­ponsibility ng LGU ay to administer the vaccines,” ani Galvez.

Ang iba pang kakailanganing suplay para sa pagbabakuna ay kasama na aniya sa responsibilidad ng LGUs, national government at pribadong sektor.

“Iyong supply chain requirement, syringe, lata ng consumables, integrated po ang efforts ng LGUs, national government, at private sector. Kung ang isang LGU po ay 30% lang ang mabibili (na bakuna gamit ang kanilang budget), national govern­ment po ang magpupuno nung 70%,” ani Galvez.

Noong Nobyembre, ilang local firms ang pumirma sa kasunduan para sa pagkuha ng nasa 2.6 milyong doses ng bakuna mula sa AstraZeneca.

ASTRAZENECA BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with