âDonât be choosyâ ni Roque hindi big deal â Sotto
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, salitang kalsada lang ang “don’t be choosy” na cute pakinggan para pag-usapan pero praktikal naman dahil ang ibig sabihin lang ay mag-aalok ang gobyerno ng bakuna at pwedeng tanggihan at hindi ipipilit.
Geremy Pintolo, file

‘Don’t be choosy’ ni Roque hindi big deal – Sotto

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Huwag nang gawing big deal ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi maaaring maging “choosy”ang mga Filipino sa ibibigay na libreng bakuna ng gobyerno.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, salitang kalsada lang ang “don’t be choosy” na cute pakinggan para pag-usapan pero praktikal naman dahil ang ibig sabihin lang ay mag-aalok ang gobyerno ng bakuna at pwedeng tanggihan at hindi ipipilit.

Ang sagot din ni Sotto sa mga aayaw sa bakuna ng gobyerno ay “huwag kung ayaw” at “huwag ipipilit kung ayaw”.

Iginiit pa ng Senate president na kapag tumanggi ang health workers sa bakunang unang paparating na Sinovac ay kilalanin ang karapatang ito.

Dapat din umanong payagan sila na mamili kung anong pinagtitiwalang bakuna at maghintay ng kasunod na bakuna.

Hindi rin umano dapat alisin sa prayoridad o ilagay ang mga ito sa dulo ng listahan para sa kasunod na bakuna dahil importante ang mga health workers sa gitna ng pandemya.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with