Ibaât ibang grupo pabor sa NAIA rehab
Matatandaan na naudlot ang NAIA rehab na dapat sana ay isasagawa ng Megawide Construction Corp. and GMR Infrastructure na siyang umayos at nagpaganda sa Mactan-Cebu International Airport.
STAR/File

Iba’t ibang grupo pabor sa NAIA rehab

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng ma-lakas na suporta sa agarang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iba’t ibang grupo upang maka-tulong ito sa pagbangon at muling pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Sa magkahiwalay na pahayag ng OFW Movement, Philippine Transport Monitor (Philtram) at ng multisectoral group Kapatirang Isip Malaya (KAISMA) sinabi nila na habang limitado pa lamang ang aktibidad sa NAIA dahil sa pandemic, mas maganda kung masimulan na ang pagsasaayos ng pangunahing paliparan ng bansa.

“As OFWs, we believe the time to rehabilitate and improve NAIA is now! The pandemic scaled down travel tremendously limi-ting foot traffic and flights,” pahayag ni Ram Base, OFW movement chairman, sa kanyang sulat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Matatandaan na naudlot ang NAIA rehab na dapat sana ay isasagawa ng Megawide Construction Corp. and GMR Infrastructure na siyang umayos at nagpaganda sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Ayon naman kay Philtram president Mario Bautista, malaking ambag sa turismo at sa industriya ng transportasyon kung maisaayos na ang NAIA na dati ay binansagan pang kabilang sa pinakapangit na paliparan sa buong mundo.

Samantala, nagpaha-yag ng pagtataka si Jolly Torejas, KAISMA-Lapu-Lapu City chapter chairman, kung bakit biglang pinigilan ang Megawide sa rehabilitasyon ng NAIA.

“Ang ganda-ganda na nga ng aming MCIA (Mactan-Cebu International Airport) dahil sa Megawide kaya di namin maintindihan bakit hinaharang ito sa NAIA,” pahayag ng lider ng KAISMA sa isla ng Mactan.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with