UK COVID-19 variant malalaman ngayon kung nakapasok na sa Pinas

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malalaman na ngayong araw hanggang bukas kung nakapasok na sa bansa ang variant ng COVID-19 na unang nakita sa United Kingdom.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, ngayong araw hanggang Biyernes ilalabas ang resulta nang pagsusuri sa mga nakasalamuha ng Filipina na galing sa Pilipinas na nakitaan ng UK variant ilang araw pagdating sa Hong Kong.

“Ito po ay lalabas maaaring bukas (Huwebes) o sa Biyernes. So magbi­bigay alam po tayo sa public,” ani Vergeire.

Patuloy aniya ang monitoring sa ikalawang batch na nakasama ng nagpositibong Pinay.

Nilinaw din ni Vergeire na hindi lamang ang UK variant ang binabantayan kundi ang iba pang variant ng coronavirus. Linggu-linggo na rin aniya ang pangongolekta ng specimens upang makita kung mayroon ng bagong variant ng coronavirus sa Pilipinas.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with