^

Magkakasakit sa bakuna ipapagamot ng gobyerno

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Health na ipapagamot ng gobyerno ang sinuman sa mga bibigyan ng bakuna laban sa COVID-19 na magkakasakit o magkakaroon ng negatibong epekto sa kalusugan.

Sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na binuo na ang National Adverse Effect Following Immunization Committe na titingin sa mga posibleng magkaroon ng hindi magandang epekto sa bakuna.
Magkakaroon aniya ng benepisyo ang mga tatamaan kabilang na ang pagsagot sa gastos nang pagpapagamot.

Samantala, nilinaw din ni Vergeire na hindi pa tiyak kung gaano katagal magkakaroon ng immunity o hindi na dadapuan ng COVID-19 ang mabibigyan ng bakuna.

Aminado si Vergeire na wala pang ebidensiya tungkol sa haba ng immunity dahil patuloy pang pinag-aaralan ang bakuna.

BAKUNA DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with