^
âStaycation guestsâ sa hotel quarantine facilities, bawal
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ilalabas na nila ngayong linggo ang desisyon ukol sa naturang hotel makaraang padalhan ito ng ‘show-cause order’ noong Enero 5.
STAR/ File

‘Staycation guests’ sa hotel quarantine facilities, bawal

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ipasasara ang mga hotel na nagsisilbing ‘quarantine facilities’ kung mapapatunayan na tumatanggap sila ng mga ‘staycation guests’ na mahigpit na ipinagbabawal ng kagawaran.

Ito ay kasunod ng kontrobersya sa City Garden Hotel kung saan isinagawa ang New Year’s Party ng grupo ng flight attendant na si Christine Dacera na kinalaunan ay natagpuang patay. Nabatid na isa palang ‘quarantine facility’ ang naturang hotel kaya hindi maaaring tumanggap ng ‘staycation guests’.

Sinabi ni Romulo-Puyat na ilalabas na nila ngayong linggo ang desisyon ukol sa naturang hotel makaraang padalhan ito ng ‘show-cause order’ noong Enero 5.

Ngunit nilinaw ng kalihim na maaari pa namang mag-aplay ang ibang 4 o 5-star hotels ng lisensya para mag-operate bilang staycation hotel.

Matatandaan na pinayagan nang tumanggap ng guests ang mga hotel noong dulo ng 2020 para mapalakas muli ang ‘domestic tourism’.

CHRISTINE DACERA DOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with