_ngayon
^

Go Bike Project youth responders sa Pangasinan binigyan ng bisikleta, ayuda ni Bong Go

(Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para magtuluy-tuloy ang adbokasiya ng Go Bike Project, binigyan ni Senator Christopher “Bong” Go ng mga bisikleta at iba pang porma ng ayuda ang nasa 250 youth community responders sa Bugallon, Pangasinan.

Itinatag noong March 16, 2019, ang Go Bike Project ay isang voluntary youth-led organization na nagti-training ng mga kabataan para maging community responders sa harap ng krisis. Gumagamit sila ng bisikleta sa pagresponde, lalo sa mga health emergencies at natural disasters.

Nilinaw na ang Go Bike Project ay hindi konektado kay Sen. Go.

Ang mga bisikleta na ipinamigay sa mga piling benepisyaryo ay gagamitin sa paghahatid ng basic healthcare services, kagaya ng blood pressure monitoring, first aiding at blood sugar testing sa bisinidad ng Bugallon.

Sa panahon ng community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ang Go Bike Project ay nag­lunsad ng Ronda Kalusugan Program para magabayan at mamonitor ang kalusugan ng  nakatatanda, mga buntis at mga may sakit na residente sa Bugallon.

Sa pamamagitan nito, hindi na sila kinakailangang lumabas ng bahay para makaiwas sa exposure ng virus.

Nagbabahagi rin ng relief goods sa locals ang Go Bike Project.

Sa kanyang speech, umaasa si Sen. Go na ang mga ibinigay niyang mga bisikleta ay magsilbing malaking tulong sa youth volunteers.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with