_ngayon
^
âWag choosy sa bakuna - Malacañang
Sinabi pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maaaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.
The STAR/Joven Cagande

‘Wag choosy sa bakuna - Malacañang

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan.

“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan,” sabi ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na hindi maaaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.

Pero kailangan aniyang lumagda sa isang waiver ang ayaw magpaturok lalo na kung kasama ito sa listahan ng mga prayoridad na tuturukan.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay may prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na hindi naman makokontrol kung ano ang darating na bakuna kaya hindi maaa­ring mamili.

“So tama lang naman po ’yan, walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito,” sabi ni Roque.

Related video:

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with