^

OFW groups, suportado ang DOFIL Bill ni Bong Go

(Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ng iba’t ibang grupo ng overseas Filipinos mula sa mga bansa sa Asia, Europe, Middle East at North America ang Senate Bill No.1949 na inihain ni Senator Bong Go na layong magtatag ng Department of Overseas Filipinos.

Umaabot sa 350 OFWs ang dumalo sa online forum na inorganisa ng United Filipino Global upang magkaroon ng awareness kung paano pa maayos na mapoprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Filipino sa ibayong dagat.

Sa kanyang speech, sinabi ni Senator Go na mahalagang magkaroon ng departamento na siyang tututok sa kapa­kanan at interes OFWs na binubuo ngayon ng 10 porsi­yento ng populasyon ng bansa.

Inihalimbawa ni Go ang naging masamang epekto ng COVID-19 pandemic kung kaya libu-libong OFWs ang nagsiuwi sa bansa, karamihan ay nangangailangan ngayon ng kagyat na tulong mula sa gobyerno.

Noong December 14, 2020, inihain ni Go ang SBN 1949 na layong pabilisin ang trabaho ng lahat ng government agencies na may kinalaman sa overseas employment at migration. 

Ang ‘Department of Overseas Filipinos Act of 2020’ ay ikatlong bersyon ng panukala na isinulong ni Go noong 2019 at sinertipikahan bilang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong 2021 ay isa ito sa top 20 priority bills na tinukoy, kapwa ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with