^

Bansa

COVID-19 test 'ibibigay sa lahat ng taga-Valenzuela' sa Pista ng Nazareno — mayor

Philstar.com
COVID-19 test 'ibibigay sa lahat ng taga-Valenzuela' sa Pista ng Nazareno � mayor
Litrato ng kumpul-kumpulan na deboto sa nakaraang Traslacion 2021, ika-9 ng Enero, 2021
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Matapos hindi masunod ang physical distancing kasunod ng katatapos lang na "Pista ng Itim Na Nazareno" nitong Sabado, iniutos ng isang alkalde sa Kamaynilaan na na isailalim sa coronavirus disease (COVID-19) testing ang lahat ng kanyang nasasakupan na dumalo sa okasyon.

Ito ang sinabi ni Valenzula Mayor Rex Gatchalian sa ulat ng CNN Philippines matapos dagsain ng halos kalahating milyong deboto ang Quiapo, Maynila habang Traslacion 2021.

"If they did, then isolation protocols will be initiated as well as having all of them tested," pagkukumpirma ni Gatchalian nitong Linggo.

Basahin: What you need to know about Traslacion 2021: Road closures, activities for devotees

Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng pinangangambahang "post-holiday surge" ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) matapos ang mga nangyaring pagtitipon ng mga pamilya nitong nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa mga litratong ito, at halos dikit-dikit na ang mga sumama sa pagtitipon kahit 400 katao lang kada misa ang pinapayagang pumasok noon sa Quiapo Church.

Ang ilan, nakataas lang face shield o 'di kaya'y nakababa ang face mask sa kabila ng paalala ng mga otoridad at church organizers.

Despite constant reminders from authorities and church organizers, devotees of the Black Nazarene were observed to be...

Posted by Philippine Star on Friday, January 8, 2021

Pinayuhan na ni Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong ang mga dumalo na mag-self-quarantine na at obserbahan ang sarili kung makararanas ng mga sintomas ng COVID-19.

"We should take care and observe because the devotees were part of the crowd, they were beside strangers, people whom they did not know. They could observe their health, if they show any symptoms in the coming days," ani Badong.

Basahin: Quiapo vicar urges devotees: Self-quarantine

Sa kabila ng mga nangyari, ikinatuwa naman ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa mga inasal ng deboto ngayong taon.

"You have to give it to the people of Manila. Nagbago na ang ugali ng mga taga-Maynila. Hindi perpekto [ang pagdiriwang] pero ano pa ba ang hihilingin natin sa mga devotees," ani Domagoso nitong Sabado.

Takot sa bakuna sa kabila ng banta ng hawaan

Una nang sinabi survey ng Pulse Asia na nasa 47% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19, karamihan sa pag-aalala kung epektibo ito. Mas mataas 'yan sa 31% na unang lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS).

May kinalaman: SWS: Halos 2 sa 5 Pilipino ayaw magpabakuna vs COVID-19

Ngayong araw lang nang sabihin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dalawang COVID-19 vaccines ang darating ng Pilipinas sa susunod na buiwan, ngunit hindi pa nagbibigay ng mga karagdagang detalye rito.

"Meron hong 2 klase ng bakuna that can be available by February already. Aantayin po natin si vaccine czar, I hope you understand he’s the one authorized to provide this kind of information," ani Vergeire sa panayam ng Teleradyo.

"As early as February we might be receiving the deliveries of [these] vaccine(s)."

Nananawagan naman ngayon si Bise Presidente Leni Robredo na gawan ng paraan ng gobyerno kung paano maibabalik ang tiwala ng mamamayan sa mga bakuna lalo na't hindi matapus-tapos ang hawaan.

Sa huling ulat ng DOH kahapon, umabot na sa 487,690 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan 9,405 na ang namatay.

Halos sampung buwan nang nagpapatupad ng community quarantine at lockdowns sa sari-saring lugar sa Pilipinas kaugnay ng mga infections. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5 at The STAR

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FEAST OF THE BLACK NAZARENE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with