^

Bansa

‘Vaccine Passport’ sa mga Pinoy, isinulong ni Cayetano

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Vaccine Passport� sa mga Pinoy, isinulong ni Cayetano
Sinimulan na ang pagkakaroon ng vaccine passports o certificates sa ibang bansa kabilang ang Bahrain kung saan maraming Pilipino ang nagposte ng kanilang mga larawan sa social media.
STAR/File

MANILA, Philippines — Upang mapabilis at malayang makabiyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa at maging sa iba pang parte ng mundo, isinulong ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pagkakaroon ng ‘Vaccine passport“ para sa lahat ng mga Pinoy.

Ito’y kasunod naman ng paglalatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases nitong Miyerkules ng COVID-9 vaccination road map.

“We also have to keep in mind that this is more than just a public health initiative, it is a key element in bringing back public confidence and reviving the economy,” pahayag ni Cayetano na iginiit na mahalaga ang paglulunsad ng isang credible certification system sa pamamagitan ng ‘vaccine passport”.

Sinimulan na ang pagkakaroon ng vaccine passports o certificates sa ibang bansa kabilang ang Bahrain kung saan maraming Pilipino ang nagposte ng kanilang mga larawan sa social media.

Sa pagtaya, nasa 50-70 milyong Pilipino ang mababakunahan sa taong ito na sisimulan sa mga health care workers, vulnerable at mahihirap na senior citizens, mga mamamayan mula sa mahihirap na komunidad, uniformed personnel, guro, mga manggagawa sa mga paaralan at gobyerno, essential workers, mga vulnerable dahil sa may ibang karamdaman, mga OFWs, mga  manggagawa at mag-aaral.

Pinaalalahanan ni Cayetano na hindi dapat ma-haluan ng pulitika ang pamamahagi ng bakuna sa mga mamamayan at tiyaking patas ang pagbibigay ng mga benepisyo ng bakuna.

vuukle comment

PASSPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with