^

Bansa

'May batas po': Maynila walang kukunsintihin sa smuggled COVID-19 vaccine use

James Relativo - Philstar.com
'May batas po': Maynila walang kukunsintihin sa smuggled COVID-19 vaccine use
Tinuturukan ng COVID-19 vaccine ng health worker na ito ang isang Israeli na babae sa Clalit Health Services, Tel Aviv City, ika-3 ng Enero, 2021
AFP/Jack Guez

MANILA, Philippines — Kahit kaliwa't kanan na ang mga matataas na opisyal ng gobyernong ipinagtatanggol ang paggamit ng hindi rehistradong mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Maynila kinakailangan ang otorisasyon ng Food and Drug Administration (FDA) bago ito iturok ninuman.

Basahin: Pagturok ng unregistered COVID-19 vaccine sa mga tropa 'hindi iligal' — Roque

May kinalaman: Panelo insists rule of law observed in vaccination of Duterte's security detail

"Bawal na bawal yan. Walang presidente, walang mayor, walang senador na magsasabing [okey lang kahit na walang FDA approval]. Hindi po, may batas po," ani Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Lunes.

"Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA, eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal."

Ito ang sinabi ni Domagoso matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na naibigay na ang bakuna ng Sinopharm, isang 'di rehistradong gamot, sa ilang sundalo. Lumabas na ring ginamit na ito maging sa mga kawani ng Presidential Secrutiy Group (PSG). 

May miyembro din ng Gabinete na nabakunahan, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año. Hindi naman niya pinangalanan ang opisyal na nabakunahan ng hindi pa aprubado na bakuna.

Ang palasyo ng Malacañang, kung saan naroroon ang tanggapan ng presidente, ay nasa loob ng Lungsod ng Maynila.

Ika-28 ng Disyembre lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na "walang iligal" sa paggamit ng mga naturang bakuna, lalo na't ang ipinagbabawal ng batas ay ang pagbebenta at pagpapamahagi nito. Iligal pa rin ang pagpapasok nito sa bansa, ayon sa Republic Act 9711, o FDA Act of 2009.

"Ang ipinagbabawal ay benta. Wala pong bumili ng mga bakuna na naturok sa ating kasundaluhan. Hindi po ipinagbabawal ang pagturok maski hindi pa rehistrado, 'wag lang ibenta, 'wag i-distribute. Basahin po natin ang FDA law," ani Roque, na isang abugado.

Nakuha pang pagpugayan ni chief presidential legal counsil Salvador Panelo ang mga miyembro ng PSG na nauna nang magpaturok ng COVID-19 vaccines kahit 'di rehistrado at ipinuslit lang sa Pilipinas, sa dahilang ginawa raw nila ito para protektahan si Duterte.

"The Presidential Security Group's action, aside from being legally valid, is consistent with — and pursuant to — its duty of securing the life of the president at all cost," ani Panelo.

"Instead of being criticized, these sentinels of the President should be commended for putting their lives on the line."

Basahin: Duque: Doctors giving unauthorized COVID-19 jabs will lose license to practice

Deployment ng bakuna sa lungsod

Ayon pa sa local government unit ng Maynila, handang-handa na rin silang igulong sa mga residente ang bakuna laban sa COVID-19 oras na maaprubahan ng mga otoridad ang paggamit nito.

Sa inisyal, nasa 200,000 Manileño ang handa ng bakuna. Maaari na rin daw dumaan sa pre-registration ang mga interesadong makakuha ng bakuna.

Kaugnay niyan, nasa 30,000 na ang nagparehistro sa www.manilacovid19vaccine.com, ayon sa Manila Health Department.

"Having said that, we will try to reach as many as possible because the first order that we are trying to eye in our own little way is 400,000 dosage that will serve 200,000 Manileños," dagdag ni Domagoso. 

Bibigyan din ng libreng antigen at swab tests ang mga residente ng Maynila na magbabalik ng lungsod matapos ang holiday season. 

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), Linggo, umabot na sa 477,807 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 9,257 na ang patay.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COVID-19 VACCINE

FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with