^
Pilipinas 'goodbye bagyo' na hanggang matapos ang 2020, sabi ng PAGASA
Satellite image ng Pilipinas mula sa kalawakan, ika-28 ng Disyembre, 2020
Screengrab mula sa https://earth.nullschool.net/

Pilipinas 'goodbye bagyo' na hanggang matapos ang 2020, sabi ng PAGASA

(Philstar.com) - December 28, 2020 - 5:38pm

MANILA, Philippines — Wala nang inaasahang malalakas na sama ng panahon para sa mga nalalabing araw ng taong 2020, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.

Sinabi ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Lunes, matapos ang ilang serye ng bagyo na tumama sa Pilipinas sa huling kwarto ng taon — kasama na riyan ang Super Typhoon Rolly na kinikilalang pinakamalakas na bagyo sa mundo noong Oktubre.

"For the next 3 days hanggang sa katapusan ng taon ay wala tayong inaasahang bagyo," sabi ni Chris Perez, weather forecaster ng PAGASA sa panayam ng ABS-CBN kanina.

"[Pero] posibleng magkaroon ng bugso ng Amihan that will initially affect the northern Luzon area beginning Wednesday."

Kadalasang nasa 20 bagyo, o "tropical cyclones," ang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) taun-taon.

Sa hiwalay na ulat ni Perez ngayong 4 p.m., namataan din ng PAGASA ang ilang low pressure areas sa paligid at labas ng PAR na maaaring magdala ng masungit na panahon sa ilang bahagi ng Pilipinas.

"'Yung low pressure area sa silangang bahagi ng Luzon ay tuluyan na ngang natunaw at humalo na sa Amihan at sa tail-end ng Cold Front," patuloy ni Perez.

"Samantala, ang [LPA] naman sa kanlurang bahagi ng Palawan, inaasahang tuluyan nang lalabas ng PAR ngayong gabi, subalit maaapektuhan pa rin ang Kalayaan Island."

Ang naturang LPA ay nakita bandang 310 kilometro silangan ng Puerto Princesa, Palawan.

Sa labas ng PAR, nakita naman ang isa pang LPA 1,490 kilometro silangan ng Mindanao na makakaapekto sa ilang bahagi ng ating bansa ngayong gabi.

Dahil sa epekto ng Amihan, may mga mahihinang pag-ulan pa rin ngayong gabi na maaaring maranasan sa may Batanes at Babuyan islands.

Maulap, kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat-pagkulog naman ang posibleng matikman ng natitirang bahagi ng Cagayan Valley, lalawigan ng Aurora, rehiyon ng Bicol, Kalayaan Island, buong Visayas, CARAGA, Davao Region at Northern Mindanao.

Maaliwalas na gabi naman ang nag-aantay sa nalalabing bahagi ng bansa, maliban sa ilang isolated rainshowers at thunderstorms. — James Relativo

2020 LOW PRESSURE AREA PAGASA TROPICAL CYCLONE WEATHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with