^
Luzon, Metro Manila at Mindanao inuga
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 6.3 na lindol sa 15 kilometro southwest ng Calatagan, 7:43 ng umaga na araw ng Pasko.
STAR/File

Luzon, Metro Manila at Mindanao inuga

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2020 - 12:00am

Lindol sa Kapaskuhan

MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na lindol ang Batangas na naramdaman din sa malaking bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan, kahapon ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 6.3 na lindol sa 15 kilometro southwest ng Calatagan, 7:43 ng umaga na araw ng Pasko.

Umabot sa 109 km ang lalim ng lindol na tectonic ang pinagmulan.

Bunga nito, naramdaman ang Intensity 5 sa Calatagan, Balayan, Nasugbu, Batangas City, Balayan, Calaca at San Luis, Batangas; Tagaytay City, Amadeo, Indang, Kawit at Alfonso, Cavite; Lubang at Looc, Occidental Mindoro; Biñan, Laguna.

Intensity IV – Lemery at Malvar, Batangas; San Pedro, Laguna; City of Manila; Marikina City; Quezon City; Cainta at Antipolo City, Rizal; Pasig City.

Intensity III sa Caloocan City; Tanay, Rizal; San Jose Del Monte City at Plaridel, Bulacan; Gapan City, Nueva Ecija; Cabangan at Iba, Zambales; Samal, Bataan; Valenzuela City; Malabon City. Intensity II – San Isidro, Nueva Ecija; Alaminos City, Pangasinan.

Samantala, niyanig din ng 5.3 magnitude na lindol ang Davao Occicental kahapon ng alas-10 ng umaga.

Ang sentro ay naitala sa may 095 km timog sila­ngan ng Sarangani, Davao Occidental. Umaabot sa 111 km ang lalim na tectonic din ang origin.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Alabel, Sarangani at Intensity 1 sa Kiamba, Sarangani; Koronadal City; General Santos City.

Wala namang naiulat na pinsala sa nasabing mga pagyanig pero inaasahan ang pagkakaroon ng mga aftershocks, ayon pa sa Phivolcs.

 

EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with