^
âNo mercyâ sa pulis na pumatay sa mag-ina â Lacson
Sinabi ni Lacson na kung ang ipinakita sa video ay ang buong istorya, hinihiling niya sa liderato ng PNP na huwag kaawaan si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.
PRIB/Alberto Calvelo, file

‘No mercy’ sa pulis na pumatay sa mag-ina – Lacson

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi dapat kaawaan ang pulis na pumatay sa mag-ina sa Tarlac kung pagbabasehan ang nag-viral na video nang pagpatay, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, dating hepe ng Philippine National Police.

Sinabi ni Lacson na kung ang ipinakita sa video ay ang buong istorya, hinihiling niya sa liderato ng PNP na huwag kaawaan si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.

Pinatitiyak din ni Lacson na mabubulok sa bilangguan si Nuezca dahil hindi kailangan ng PNP ang serbisyo nito.

Nag-viral ang vi­deo nang pamamaril ni Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25, matapos magtalo.

Ipinaalala ni Lacson na dapat itinu-turn over ng mga pulis sa kanilang supply officer ang kanilang armas kung hindi naka-duty.

Hindi rin aniya dapat binibigyan ang pulis ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) habang aktibo sa serbisyo.

Ipinaalala rin ni Lacson ang motto ng PNP na “To Serve and Protect” na dapat aniya ay kasama ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan muna sa mga scalawags sa hanay ng PNP.

PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with