^

Bansa

Duterte kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal
Ito ay kaugnay sa pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na may nagpabaya sa DOH kaya naunsyami ang 10 milyon doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer na takda sanang ideliber sa Enero 2021.
AFP/JOEL SAGET

MANILA, Philippines — Walang nakikitang kapabayaan o malaking pagkakamali si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay kaugnay sa pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na may nagpabaya sa DOH kaya naunsyami ang 10 milyon doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer na takda sanang ideliber sa Enero 2021.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque na bagaman madamda­ming nagpaliwanag si Duque sa Pangulo kama­kalawa ng gabi, sa kabuuan ay wala namang nalikhang pinsala at danyos ang insidente dahil tuloy pa rin naman ang pakikipag-usap ng bansa sa Pfizer.

Bilang patunay ay makakakuha pa rin ng supply ng bakuna ng Pfizer ang Pilipinas sa pagitan ng una at ikalawang quarter ng susunod na taon.

Iginiit ni Roque na hindi na mahalaga ngayon ang magkakaibang pahayag ni Duque at ni Locsin dahil sa huli, tanging si vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang binigyang kapangyarihan ni Pangulong Duterte na mamahala sa pakikipagnegosasyon at sa pagbili ng gobyerno ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinasabing nabigo si Duque na agad isumite ang Confidentiality Closure Agreement kaya naunsyami ang negosasyon sa Pfizer.

Matatandaan na ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na si Duque ang tintutukoy ni Locsin na dahilan kaya nabigo ang Pilipinas na makuha ang deal sa bakuna ng Pfizer.

Sina Locsin at Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez ang umano’y gumawa ng paraan para makakuha ang Pilipinas ng bakuna ng Pfizer.

Subalit nabigo umano si Duque na isumite ang documentary requirements para makuha ang bakuna.

Paliwanag pa ni Lacson na nag-follow up pa ang country representative ng Pfizer sa mga kaila­ngang dokumento subalit hindi ito naibigay ng DOH.

Dahilan dito kaya mas nauna umano ang Singapore na makakuha ng Pfizer vaccines kaysa sa Pilipinas.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with