_ngayon
^

Bansa

'Red-tagging' ni Duterte sa Makabayan bloc ipinatitigil ng ASEAN lawmakers

Philstar.com
'Red-tagging' ni Duterte sa Makabayan bloc ipinatitigil ng ASEAN lawmakers
Protesta ng mga militanteng grupo malapit sa Malacañang Palace, ika-10 ng Disyembre, kasabay ng "Human Rights Day."
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Kinastigo ng iba't ibang mambabatas mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region ang patuloy na pagkakabit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga militanteng konggresista sa mga rebeldeng komunista, bagay na naglalagay daw sa mga lingkod-bayan sa matinding peligro kahit nasa loob ng gobyerno.

Ito ang pahayag ng mga miyembro ng ASEAN Parliamentarians for Human Rights (APHR), Miyerkules, sa gitna ng patuloy na pag-atake ng administrasyon sa mga maka-Kaliwang solons sa Philippine legislature.

"Red-tagging has had extremely violent consequences in the Philippines, and the fact we are seeing President Duterte leading the way on such a menacing practice is utterly inexcusable," sabi ni Charles Santiago, Malaysiyan Member of Parliament (MP) at chair ng APHR.

"Let’s be clear: not only do the president’s actions attempt to silence political opposition and undermine democracy, but they also directly put people’s lives at risk, particularly those who oppose his agenda."

Aniya, matagal nang nagagamit sa Pilipinas ang red-tagging para gipitin ang mga kritiko at akusahan silang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines at New People's Army.

Mahaba na ang listahan ng mga napatay matapos iugnay sa CPP-NPA, at nakagagalit daw na si Duterte pa ang "nangunguna" sa red-tagging campaign.

Basahin: Negros doctor said to be on vigilante hit list killed alongside husband

May kinalaman: PANOORIN: 'Red-tagging'? Ano 'yon at bakit ito nakasasama?

Kagabi lang nang muling i-redtag ni Duterte si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate habang binibira ang mga oposisyong "hindi dapat paniwalaan" sa pulong tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

"Saan nakipagkunsabo pati itong mga komunista sa nakapasok sa gobyerno. Do you think that we will stop there? I said you are a member of a grand conspiracy of communism, lahat kayo. The act of one is the act of all," ani Duterte. "Ikaw, Zarate, bantay ka."

Dati nang tinawag ni Duterte na kasabwat ng CPP-NPA si Zarate lalo na't nakatrabaho raw niya ang mambabatas sa Mindanao. Sa kabila nito, sinasabi ng gobyerno na hindi ito red-tagging ngunit "truth tagging."

Ang NPA ay isang armadong grupong nag-aarmas laban sa aniya'y "pasistang" pamahalaan habang si Zarate ay nasa larangan ng Kamara, gumagawa ng mga panukalang batas sa lehislatura.

"How can lawmakers be expected to fulfil their role as a check on the executive when they themselves are being attacked?" sambit pa ni Santiago.

"We urgently call on President Duterte and the Philippine government to stop labelling directly-elected representatives as terrorists, and allow opposition lawmakers to effectively fulfil their mandates and freely express their opinions."

'Red-tagging araw-araw'

Sa ulat ng APHR na "Parliamentarians at Risk" nitong Setyembre 2020, napag-alaman nilang nakararanas ng red-tagging ang Makabayan bloc "halos araw-araw."

Kadalasan ay nangyayari raw ito online, offline, sa social media maging sa ilang artikulo sa balita.

Basahin: 'Red-tagging brings violence,' Elago warns as PNP shares red-tagging content

May kinalaman: PNP chief: We do not authorize red-tagging

"We call on MPs in the Philippines and across Southeast Asia to use their positions to speak up against the practice of ‘red tagging’ in the Philippines, particularly by government officials towards political opponents, and ensure that their colleagues can effectively fulfil their mandates as elected representatives of the people," sabi naman ni Mu Sochua, dating Cambodian MP at board member ng APHR.

Una nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na pinag-iisipan na niyang gumawa ng panukalang batas na gagawing krimen ang red-tagging. Ito ay kahit na dati siyang hepe ng Philippine National Police, isang institusyong malimit makabanggaan ng Kaliwa. — James Relativo

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS BAYAN MUNA PARTY-LIST MAKABAYAN BLOC RED TAGGING RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with