^

Bong Go sa DOTr, TRB: Gusot sa expressway RFIDs, ayusin

(Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Transportation at sa Toll Regulatory Board na agad resolbahin ang gusot o problema sa pagpapatupad ng electronic toll collection sa expressways sa Metro Manila.

Sinabi ni Go na habang iniimbestigahan ang nasabing isyu, ang DOTr na siyang mother agency ng TRB ay dapat na kagyat na resolbahin ang gusot dahil masyado na itong nakaaapekto sa publiko.

“Meron na po silang ginagawang imbestigasyon at pamamaraan para maisaayos po ang problema d’yan sa trapik na dulot ng RFID...So, nananawagan po ako sa DOTr at sa TRB na ayu­sin n’yo na po. Trabaho n’yong ayusin ang problemang ‘yan at ‘wag ipasa sa publiko ang trapik,” ani Go ukol sa radio frequency identification (RFID) tags na kailangan umano sa electronic toll collection sa expressways.

Sinabi ng senador na ang depektibong RFID tags sa ilang sasakyan, gaya ng trucks ay nagi­ging dahilan ng domino effect sa traffic situation kaya nadidismaya ang mga motorista.

Iginiit niya kay DOTr Secretary Arthur Tugade na parusahan ang mga taong nagpabaya upang maiaayos ang problema.

Kamakailan ay binalaan ni Samar Rep. Edgar Sarmiento, pinuno ng House of Representatives Committee on Transportation, ang TRB na hihili­ngin niya kay Pangulong Duterte na i-veto ang 2021 budget ng ahensiya kapag hindi naresolba ang problema.

Sinabi ni Go na may karapatan nga si Pangulong Duterte na i-veto ang 2021 budget ng TRB kung mapatutunayang sablay at nagpabaya ito sa trabaho.

BONG GO DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with