^
Palasyo dismayado sa mabagal na internet
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalaos pa ang Pilipinas ng Laos na pang-22.
STAR/File

Palasyo dismayado sa mabagal na internet

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2020 - 12:00am

Pinas nalaos daw sa Laos

MANILA, Philippines — Hindi masaya ang Malacañang sa estado ng telekomunikasyon ng Pilipinas na pang-33 sa hanay ng mga bansa sa Asya sa mobile broadband speed.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalaos pa ang Pilipinas ng Laos na pang-22.

“Ang Thailand ay nasa number 16, ang Vietnam ay nasa number 18, at ang Laos ay nasa number 22 – nalaos pa po tayo sa Laos,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na ba­gaman at nag-“improved” na ang bilis ng mobile broadband ng 94.35% mula sa dating 7.44Mbps noong Hulyo 2016, naging 14.46 Mbps noong Pebrero 2019, nasa gitna pa rin ng ranking ang Pilipinas.

“Narinig din natin mula sa National Telecommunications Commission kung nasaan ang Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa sa Asya. Hindi po tayo masaya na tayo ay nasa gitna ng ranking,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na halos walang pinagbago ang bilis ng mobile broadband speed kahit pa nagalit na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“At noong nagalit ang Presidente, ayon sa speed test global index October 2020, pagda-ting sa mobile broadband speed ay pantatlumpu’t apat na puwesto or number 34 ang Pilipinas, halos wala pong pinagbago,” ani Roque na inihayag na patuloy ang pagmo-monitor ng Mala-cañang sa mga telcos.

Related video:

INTERNET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with