^

Bansa

Mga bata pinapayagan nang sumama sa mga staycation

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinapayagan nang sumama sa mga staycation ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang, batay sa bagong utos na inilabas ng pandemic task force.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) chief Eduardo Año, dapat makapagbigay ng resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing ang mga mag-i-staycation.

Dapat ding manatili ang mga ito sa compound na pupuntahahn nila.

“Pinayagan ‘yung mga bata na kasama ‘yung magulang kapag mag-staycation, pupunta sa mga tourist destination provided meron din silang PCR testing. At doon lang sila sa compound ng kanilang pupuntahan. Halimbawa, Boracay, Balesin o Panglao, doon lang talaga sila. Hindi ka puwedeng maglo-loiter at kung saan pupunta, dapat point-to-point lang,” ani Año.

Payo ni Año, mas maiging alamin muna ang protocols ng LGU ng pupuntahang destinasyon dahil iba-iba ang requirements ng mga ito.

Ayon naman sa resolusyon ng Department of Tou-rism, puwede nang tumanggap ng bisita sa anumang edad ang mga hotel na pinapayagan sa staycation.

Hindi lang puwede rito ang mga may comorbidity, buntis, at ang mga itinuturing na “high risk.”

Dapat ding may negative antigen test sa mismong araw ng check-in.

Samantala, maaari nang mag-operate sa 100 porsiyentong capacity ang mga hotel na pinayagang mag-alok ng staycation.

vuukle comment

BATA

STAYCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with