^
DTI Secretary Lopez positibo sa COVID-19, naka-isolate na
Litrato ni Trade Secretary Ramon Lopez
The STAR/Boy Santos, File

DTI Secretary Lopez positibo sa COVID-19, naka-isolate na

James Relativo (Philstar.com) - December 9, 2020 - 1:32pm

MANILA, Philippines — Isa na namang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kumpirmadong nagpositibo sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19), ayon sa mga ulat na lumabas ngayong Miyerkules.

Ito ang ibinahagi ni Department of Trade and Industry (DTI) sa press matapos may makasalamuhang nagpositibo sa virus noong nakaraang linggo.

"[For your information]... I tested COVID positive. Result came out [M]onday," wika ni Lopez sa report ng The STAR.

"I had myself swabbed [S]unday after exposure last Tuesday from a person who tested positive."

Kasalukuyan naman daw siyang hindi nagpapakita ng sintomas ng sakit at nakahiwalay na mula sa ibang tao.

Kilala si Lopez sa maingat na pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya, bagay na labis napinsala dulot ng mahihigpit ng lockdown na ipinatupad sa iba't ibang parte ng bansa simula Marso. 

Bago si Lopez, matatandaang nagpositibo na rin sa COVID-19 sina Interior Secretary Eduardo Año, Education Secretary Leonor Briones at Public Works Secretary Mark Villar.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) noong Martes, umabot na sa 442,785 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 8,670 na ang binabawian ng buhay. — may mga ulat mula kay The STAR/Louella Desiderio

— may mga ulat mula kay  The STAR/Louella Desiderio

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY NOVEL CORONAVIRUS RAMON LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with