^
1.7 milyong health workers una sa bakuna
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang kabuuang bilang ng magiging pra­yoridad sa bakuna ay nasa 24.7 milyon Filipino na bibigyan ng dalawang do­sages ng bakuna.
Michael Varcas/File

1.7 milyong health workers una sa bakuna

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Una sa listahan ng gobyerno na bibigyan ng libreng COVID-19 vaccine ang nasa 1.76 milyong frontline health workers, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang kabuuang bilang ng magiging pra­yoridad sa bakuna ay nasa 24.7 milyon Filipino na bibigyan ng dalawang do­sages ng bakuna.

“Ang suma total po ng mga … or ang suma total ng numero na bibigyan ng prayoridad ay 24,668,126 ‘no. Ang ating oorderin po ay mga 30 million, good for—well, 30 million individuals or 60 million dosages,” ani Roque.

Sinabi rin ni Roque na uunahin ang mga frontline health workers upang magawa nila ang kanilang trabaho nang hindi nag-aalala na tatamaan pa ng virus.

Ang mga frontline health workers din aniya ang nangunguna sa laban kaya natural lamang na sila ang mabigyan ng proteksiyon.

Inihayag din ni Roque na kasama sa frontline health workers ang mga nasa public and private health facilities, public health workers at Local Government Unit contact tracers, barangay health workers at iba.

Pangalawa sa lista­han ang mga mahihirap na senior citizen, pangat­lo ang natitirang senior citizens.

Pang-apat ang iba pang indigent population na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan ng libreng bakuna at ang panlima ay ang lahat ng uniformed personnel.

Ikokonsidera rin sa prayoridad ang mga naka­tira sa mga lugar na marami ang kaso ng COVID-19 katulad ng Metro Manila, Metro Cebu at Davao.

 

HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with