^

Bansa

Vice President Robredo, handang unang magpabakuna vs COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Vice President Robredo, handang unang magpabakuna vs COVID-19
Ang pahayag ay ginawa ni Vice President Leni Robredo matapos na tanungin sa kanyang weekly program sa radyo, kung pabor ba siya sa panukala na unang mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga matataas na opisyal ng bansa upang mapataas pa ang tiwala at kumpiyansa dito ng mga mamamayan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Handa umano si Vice President Leni Robredo na mapasama sa mga taong unang magpapabakuna laban sa COVID-19 vaccine.

Ito’y upang mapawi ang pangamba ng mga Pinoy para sa kanilang kaligtasan laban sa naturang bakuna.

Ang pahayag ay ginawa ni Robredo matapos na tanungin sa kanyang weekly program sa radyo, kung pabor ba siya sa panukala na unang mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga matataas na opisyal ng bansa upang mapataas pa ang tiwala at kumpiyansa dito ng mga mamamayan.

Sinabi ng bise presidente na para sa kanya, kung ang layunin nito ay ang mapataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa bakuna ay okey lamang ito.

Dagdag pa ni Robredo, dati na rin naman niya itong ginawa noong 2014, noong kinatawan pa lamang siya ng Camarines Sur, upang hikayatin ang mga kapwa Bicolano na uminom ng tubig mula sa filtering system na dinebelop ng University of the Philippines.

Gayunman, nagpahayag ng paniniwala si Robredo na ang mga health workers ang dapat na gawing prayoridad ng mga mamamayan sa sandaling maging avai­lable na ang bakuna sa bansa.

Hinikayat din niya ang pamahalaan na si­mulan na ang paglilista ng mga pangalan ng mga prayo­ridad na unang mabigyan ng bakuna.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with