TRB binira sa RFID
Nagtataka si Sen. Sherwin Gatchalian kung bakit hindi nagsasalita ang TRB na dapat mag-imbestiga sa reklamo ng mga motorista na nagiging kalbaryo ang pagkuha ng RFID o kaya naman ay mga hindi gumaganang RFID readers sa North at South Luzon Expressways.
Michael Varcas, file

TRB binira sa RFID

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinalampag kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Toll Regulatory Board (TRB) sa patuloy na pananahimik sa isyu ng RFID.

Nagtataka si Gatchalian kung bakit hindi nagsasalita ang TRB na dapat mag-imbestiga sa reklamo ng mga motorista na nagiging kalbaryo ang pagkuha ng RFID o kaya naman ay mga hindi gumaganang RFID readers sa North at South Luzon Expressways.

Mapipilitan anya siyang maghain ng resolusyon para imbestigahan ng Senado ang isyu dahil mistulang natutulog sa pansitan ang TRB.

Sinabi ni Gatchalian na kabilang sila sa nakakaranas ng palpak na RFID readers sa NLEX.

“Ako personally dahil taga norte kami at nararanasan namin to regularly, mag fifile ako ng resolution para maim­bestigahan, para gumalaw na rin ang TRB at tignan itong concession agreement nila kung may nilabag sila o wala,” ani Gatchalian.

Dapat aniyang palitan ang operator ng highway kung mapapatunayang palpak at kumuha ng mas mahusay na magpapatakbo.

Ipinunto ni Gatchalian na customers ang lahat ng mga gumagamit ng RFID na may advance payment na at nag babayad na kaagad ng P500 load para makadaan sa highways.

RFID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with