Pinas gagastos ng P73 bilyon sa pagbili ng bakuna
Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado na ang bansa ay may kasalukuyang P10 bilyong standby funds sa ilalim ng Bayanihan 2, habang mayroon ding P2.5 bilyong initial budget para sa vaccine procurement sa proposed national budget for 2021.
STAR/ File

Pinas gagastos ng P73 bilyon sa pagbili ng bakuna

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang gumastos ang gobyerno ng P73 bilyon para bumili ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado na ang bansa ay may kasalukuyang P10 bilyong standby funds sa ilalim ng Bayanihan 2, habang mayroon ding P2.5 bilyong initial budget para sa vaccine procurement sa proposed national budget for 2021.

“Sa huling report ni Secretary Sonny Dominguez kay Pangulong Duterte in the last meeting namin ay sinabi na niya na nakahanda na ang ating pamahalaan na gumastos hanggang 73 billion pesos para nang sa ganoon ay ma-vaccinate natin ang kulang-kulang 60 million Filipinos or more para ma-attain natin iyong tinatawag na herd immunity,” ani Avisado.

Hindi rin aniya dapat kabahan dahil nakalatag na ang iba’t ibang paraan kung paano makakalikom ng pondo.

Ipinagmalaki rin ni Avisado na totoo ang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakabili ng bakuna ang gobyerno.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with