Overcrowding magpapalobo ng COVID-19 ngayong holiday season
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, malaki ang ipinagbago ng Metro Manila sa bilang ng kaso ng COVID-19.
Edd Gumban

Overcrowding magpapalobo ng COVID-19 ngayong holiday season

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng muling ma­kapagtala ng higit 1,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila nga­yong holiday season kung hindi maipatutupad at masusunod ang health protocol.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, malaki ang ipinagbago ng Metro Manila sa bilang ng kaso ng COVID-19.

“Nung August, ’yung ave­rage cases natin sa Metro Manila 2,000 per day mahigit. Ngayon 400 per day. Ang laki na ng binaba natin from 2,000 to 400. Malaking improvement ’yan,” saad ni David.

Dahil sa papalapit na Kapaskuhan, mas marami ang dumadagsa sa mga mall para makapamili maging sa Divisoria.

“Overcrowding kasi ang ating binabantayan,” aniya pa.

Tinukoy rin ni David ang isang pag-aaral sa India na nagpapakita na ang mga menor-de-edad ay may ma­laking potensiyal na magkalat ng virus.

“Kaya gusto natin bantayan, medyo i-limit paglabas ng mga minors at saka seniors. Hindi naman natin sinasabing ’wag na ’wag na silang lumabas pero ilimit natin,” lahad pa ng eksperto.

Aminado si David na maraming tao ang nakakaranas ng pandemic fatigue sa ngayon kaya’t patuloy silang umaapela sa mga mamamayan na limitahan ang kanilang galaw, iwasan ang overcrowding at obserbahan ang health protocols gaya ng malimit na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, na napatunayang mabisang panlaban sa pagkalat ng virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with