Transparency sa COVID-19 vaccine, hirit
Ang pahayag ay ginawa ng grupong Medical Action Group matapos sabihin ni House Secretary General Dong Mendoza na prayoridad ni House Speaker Lord Allan Velasco na mapabakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng Mababang Kapulungan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine kung saan inamin pa nitong nakikipag-ugnayan na sila kay Vaccination Czar Carlito Galvez
Michael Varcas/File

Transparency sa COVID-19 vaccine, hirit

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Mass vaccination ng Kamara kinontra

MANILA, Philippines — Umapela ang isang medical group kay Vaccination Czar Carlito Galvez na tiyakin ang transparency sa pamamahagi ng COVID-19.

Ang pahayag ay ginawa ng grupong Medical Action Group matapos sabihin ni House Secretary General Dong Mendoza na prayoridad ni House Speaker Lord Allan Velasco na mapabakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng Mababang Kapulungan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine kung saan inamin pa nitong nakikipag-ugnayan na sila kay Galvez.

Ayon kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, nakakabahala dahil maaari talagang mangyari ang disenfranchisement sa oras na dumating na sa bansa ang COVID-19 vaccines. Tiyak umano na mauuna sa bakuna ang mga congressman at kanilang mga staff lalo at sila ang may hawak ng budget.

“Limited pa lang ang availability ng vaccine, kaya mauna dapat ’yung vulnerable sector. The civil societies and  NGOs should really monitor the distribution to ensure transpa­rency. Ayaw natin sanang mangyari, disenfranchisement. Ang problema rito kung na-disenfranchise ka because some people used their power of the purse, parang ’yung Congress nga eh, because they control the budget eh,” paliwanag pa nito.

Aminado ang grupo na pabor sila sa planong distribution ng bakuna ng Department of Health (DoH) ngunit ang malaking isyu ay kung paano ito mapoprotektahan.

Nagbabala rin ang grupo laban sa paggamit ng mga mambabatas sa bakuna para bumango ang kanilang pangalan para sa 2022 election.

“Ang fear talaga itong bakuna being used as an election event. Baka may bakuna diyan may pangalan pa kung sinong magbibigay niyan eh?” giit pa ni Fajutagana.

Ang pangako ni Velasco na uunahin ang mga mambabatas at empleyado na makatanggap ng Covid vaccine ay sa harap na rin ng paglobo ng kaso sa Kamara na umabot sa 98 kaso nito lamang Nobyembre.

Sinita ng QC Health department- Epidemiology and Surveilance Unit ang Kamara sa late reporting ng kanilang COVID cases kaya nagkaroon ng pagdami ng kaso dahil sa kawalan ng contact tracing.

VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with