Batas para sa nakabilanggong solo parents, isinulong
Sa Senate Bill 1344 na inihain ni Senator Nancy Binay, nais nitong magkaroon ng mga programa ang gobyerno para matulungan ang mga nakakulong na magulang na maipagpatuloy ang kanilang obligasyon.
Geremy Pintolo

Batas para sa nakabilanggong solo parents, isinulong

(Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Senator Nancy Binay na magkaroon ng batas para maaruga pa rin ng mga nakabilanggong solo parents ang kanilang mga anak.

Sa Senate Bill 1344 na inihain ni Binay, nais nitong magkaroon ng mga programa ang gobyerno para matulungan ang mga nakakulong na magulang na maipagpatuloy ang kanilang obligasyon.

Kung solo parents ang nahaharap sa kaso at hahatulan, dapat ipaalam ng korte ang parental rights ng mga akusado.

Kung may menor-de-edad na anak naman ang akusado, aatasan ng korte ang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng mga posibleng gawin para sa pag-aalaga at kustodiya ng bata.

Nauna rito, igiiniit ng ilang senador sa PNP na huwag ihiwalay si Amanda Echanis sa kanyang isang buwang gulang na sanggol dahil makakaapekto ito sa kanyang paglaki.

Si Amanda na anak ng napaslang na aktibis­ta at peace consultant na si Randall Echanis ay ina­resto dahil sa illegal possession of firearms at explosives.

BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with