Duterte sa UN: Bakuna sa COVID-19 dapat para sa lahat
Sa kanyang pre-recorded na mensahe sa United Nations Gene­ral Assembly (UNGA) sinabi ni Duterte na hindi makatarungan o “gross injustice” kung hindi makakakuha ng bakuna ang mahihirap na bansa.
AFP/Johannes Eisele, file

Duterte sa UN: Bakuna sa COVID-19 dapat para sa lahat

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international community na dapat makakuha ng bakuna sa COVID-19 ang lahat ng bansa.

Sa kanyang pre-recorded na mensahe sa United Nations Gene­ral Assembly (UNGA) sinabi ni Duterte na hindi makatarungan o “gross injustice” kung hindi makakakuha ng bakuna ang mahihirap na bansa.

“If any country is excluded by reason of poverty or strategic unimportance, this gross injustice will haunt the world for a long time,” ani Duterte.

Muli ring binanggit ng Pangulo ang kahalagahan nang pagkakaisa ng mga bansa upang matugunan ang hamon ng pandemiya.

Binanggit din ng Pa­ngulo na mababalewala ang layunin nang pagkakatatag ng United Nations kung may bansa na maiiwan at hindi makakaba­ngon mula sa COVID-19.

“We cannot let this happen. No one is safe unless everyone is safe,” dagdag ni Duterte.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with