Bilyong infra budget ilagay sa COVID-19 vaccine storage facility - health group
Ayon kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, mas nangangailangan na pondohan muna ang COVID response ng pamahalaan dahil bukod sa bilyong halagang bibilhing bakuna ay bilyon din ang gagastusin para sa hand­ling ng bakuna na nanga­ngailangan ng minus 70 degree na storage facility.
AFP/Andrew Caballero-Reynolds

Bilyong infra budget ilagay sa COVID-19 vaccine storage facility - health group

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala umanong nakalaang pondo para sa COVID-19 vaccine cold storage facility sa ilalim ng P4.506 trilyong 2021 national budget ng pamahalaan.

Dahil dito, umapela ang isang health group sa mga mambabatas na ilaan na lamang sa pagpapatayo ng mga cold storage facilities para sa bibilhing COVID-19 vaccines ang bilyong infrastructure budget ng ilang kongresista na umano’y isiningit sa pambansang pondo.

Ayon kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, mas nangangailangan na pondohan muna ang COVID response ng pamahalaan dahil bukod sa bilyong halagang bibilhing bakuna ay bilyon din ang gagastusin para sa hand­ling ng bakuna na nanga­ngailangan ng minus 70 degree na storage facility.              

Ayon kay Department of Health-(DoH) Disease Prevention and Control Bureau supervising health program officer Luzvi­minda Garcia, gagastos ng P3B para sa-70 degrees Celsius storage requirement sa COVID vaccine na gagamitin ng may 25M Filipino.

Inamin ni Garcia na ang pasilidad lamang na mayroon ang Pilipinas ay 8 degree hanggang-20 degree Celsius, malayo sa requirement na kailangan para sa COVID vaccine.

Sinabi ni Vaccinologist Melvin Sanicas na dapat manatiling frozen ang COVID vaccine para ito maging epektibo at kung hindi ito maitatago nang mabuti ay mawawala ang bisa nito.

Sa paghimay ng Senado sa 2021 budget ng DOH walang nakapaloob na pondo para sa cold storage facility at sa iba pang supply chain-related costs para sa bakuna.

Una nang ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na sa P667 billion budget ng DPWH, lumilitaw na P447B dito ay para sa mga congressional district, nasa P620M hanggang P15 billion ang infrastructure pro­jects ng bawat kongresista, nadiskubre din na mayroong mga double funding, overlapping pro­jects sa mga distrito at biglaang insertions sa budget nang magpalit ng liderato sa Kamara at maupo si House Speaker Lord Allan Velasco.

Ilan sa tinukoy ni Lacson na may malaking infra budget ay isang distrito sa Davao na may P15.351B; Albay P7.5B, Benguet P7.9B habang sa Abra ay P3.75B.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with