‘Quarantine free Philippines’ sa 2021 pa

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Department of Health (DOH) na ganap na makakaalpas ang Pilipinas sa ‘quarantine protocols’ sa ikatlong quarter pa ng 2021 kung kailan na nakatitiyak na magiging ligtas na sa banta ng COVID-19 ang lahat ng lugar sa bansa.

Taliwas ito sa pagtataya naman ng National Economic Development Authority (NEDA) na mananatili ang quarantine protocols sa buong 2021 at sa 2022 pa lamang makakaalpas ang bansa dito.

Ngunit sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na maaa­ring mailagay ang lahat ng parte ng bansa sa ‘modified general community quarantine (MGCQ)’ sa ikalawang quarter ng 2021 kapag lubusan nang mapalakas ang ‘gatekeeping components’ tulad ng epektibong ‘surveillance, contact tracing, quarantine facilities at COVID testing.’

“Nothing is certain at this point, pinag-aaralan nating mabuti lahat ng posibleng mangyari. Ang milestone na tinitignan ng gobyerno, dapat by second quarter of next year, lahat ng LGUs (local government units), MGCQ na tayo,” sabi ni Vergeire.

Kapag nakumpleto na ang kapasidad ng health system at nasa low risk na ang bansa ay maaari nang maipatupad ang ‘new normal’ sa ikatlong quarter.

Sa ilalim ng MGCQ, maaari nang lumabas ng bahay ang mga nasa edad 15-65 anyos habang itataas na ang kapasidad ng mga establisimiyento tulad ng mga sinehan, restoran, pook-sambahan at iba pa sa 50 porsyento.

Ipinaalala rin ng opis­yal na ang pagkakaroon na ng bakuna ay nanga­ngahulugan na ligtas na sa COVID-19. Kaila­ngang maipagpatuloy pa rin umano ang naiturong minimium health standards upang mas ma­ging ligtas sa hinaharap.

 

QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with