^

Bansa

Pacquiao bagong presidente ng PDP-Laban

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao bagong presidente ng PDP-Laban
Sa kaniyang talumpati matapos manumpa sa puwesto, nangako si Senator Manny Pacquiao na lalabanan ang korapsyon sa gobyerno na siyang ugat ng kahirapan sa bansa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Itinalaga bilang bagong presidente ng partidong PDP-Laban si Senator Manny Pacquiao.

Sa kaniyang talumpati matapos manumpa sa puwesto, nangako si Pacquiao na lalabanan ang korapsyon sa gobyerno na siyang ugat ng kahirapan sa bansa.

Bilang bagong presidente ng partido, binilinan ng senador ang mga mi­yembro ng ruling party na huwag masasangkot sa anumang uri ng korapsyon.

Ayon sa senador, galit siya sa korap na opisyales pati na rin sa mga korap na government workers.

“Kalaban natin ang mga kurakot. Ang ninanakaw nila ay inuutang pa natin. Nakakalungkot na milyun-mil­yong mga kababayan natin ang nagugutom, nagkakasakit at nawawalan na ng pag-asa habang ang bilyun-bilyon naman ay ninanakaw ng iilan sa gobyerno,” ayon sa senador.

Sinabi pa niya na wala silang utang na loob sa mga malalaking negosyante, foreign entities o may vested interests sila kundi para sa mga Filipino lamang at para ipaglaban ang mga mahihirap, mga walang trabaho, walang mga tirahan, mga walang boses at walang pag-asa na nais gawin ng kanilang partido.

Para magawa umano ito ay dapat sundin ang panawagan ni Pangulong Duterte sa mas agresibong paglaban sa korapsyon na inilarawan niya bilang “cancer” na nagpapahirap sa gobyerno ng ilang henerasyon na.

Si Pacquiao ang pumalit kay Sen.Aquilino Pimentel III bilang presidente ng partido. Si Pimentel na ngayon ang executive vice-chairman ng PDP-Laban habang nananatiling chairperson si Duterte.

Si House Speaker Lord Allan Velasco naman ang itinalaga bilang bagong Exe­cutive Vice-President.

Sinabi ni Pimentel na ipinasa niya ang liderato ng kanilang partido sa may bagong idea, may oras, lakas at katapangan sa paghahanda para sa 2022 national at local elections.

Sa kasalukuyan, ang PDP-Laban ay mayroong 5 senators, 58 congressmen, 43 governors, 22 vice-governors, 257 board members, 608 Mayors, 541 Vice-Mayors, 4,081 counci­lors at 100,000 community leaders.

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with