3.8 milyong Pinoy, jobless noong Oktubre
MANILA, Philippines — Umakyat sa 8.7 percent o 3.8 milyong Pinoy na edad 15 pataas ang walang trabaho o pinagkakakitaan noong Oktubre dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) July 2020 Labor Force Survey, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na unemployment rate habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang may pinakamababang unemployment rate sa bansa.
Ayon kay PSA Statistician Claire Dennis Mapa, ang 8.7% unemployment rate noong Oktubre ay nagpapakita ng dobleng taas mula sa 4.6% sa kaparehong period ng 2019.
Mataas ang unemployment mula sa entertainment at recreation, accommodation at food services, real estate activities, transportation at manufacturing.
Batay sa kanilang historical data, ito na ang pinaka- mataas mula taong 2005.
Umaasa naman ang PSA na bababa na ang bilang ng mga jobless sa bansa nitong Nobyembre at Disyembre dahil sa pagsisimula ng pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
- Latest