^

Bansa

Bong Go namahagi ng tulong sa Bulacan typhoon victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtungo si Senator Christopher “Bong” Go sa bayan ng Pandi at Norzagaray sa Bulacan para personal na pangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.

Tiniyak ng senador sa mga residente na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang agad na maisaayos ang mga nasi­rang istruktura at maibigay ang kanilang mga pa­ngangailangan.

“Tandaan niyo: mahalin niyo ang kapwa niyo Pilipino. Kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, wala na kaming hihilingin pa sa Panginoon, binigay na niya lahat,” ani Go.

“Kaya ibabalik namin sa inyo ‘yung serbisyo na para sa inyo. Hindi kami mangangako basta gagawin lang namin ang lahat para sa mga Pilipino. Sa abot ng aming makakaya, magtatrabaho kami para sa inyong lahat,” ayon sa senador.

Namahagi ang grupo ni Go ng food packs, vitamins, masks at face shields sa may 1,421 typhoon victims sa naturang aktibidad sa Pandi Residences 3 at Camp Praise Valley sa Pandi at Norzagaray, ayon sa pagkakasunod.

Inobserbahan naman sa pamamahagi ng ayuda ang health and safety protocols laban sa COVID-19.

May mga nabigyan ng bisikleta para magamit sa kanilang pagbiyahe at tablets para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Hinimok ni Go ang mga biktima ng bagyo na lumapit sa Malasakit Center sa Bulacan Medical Center sa Malolos City o sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Santa Maria town kung kinakailangan para matulungan sila ng gobyerno.

“Huwag sana kayong mawalan ng pag-asa dahil nandirito ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para tulungan ang bawat muni­sipyo na makabangon muli. Ngayon, kung may iba pa akong maitutulong…lapitan lang ninyo ako. ‘Wag niyo akong ituring na Senador dahil parehas lang tayong ordinaryong Pilipino,” sabi ng senador.

“Magtulungan po tayo, magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa tao. Patuloy kami ni Pa­ngulong Duterte magse­serbisyo sa inyo dahil para sa amin ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” aniya pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with