Amanda Echanis hindi tinaniman ng ebidensiya – Sinas
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas na hindi tinaniman ng mga matataas na kalibre ng baril na nakumpiska kay Amanda Lacaba Echanis.
“‘Yung mga sinabi pong planted ay hindi po totoo ‘yun… paano ka mag-plant ng mga baril na ‘to, mga bago, mga high caliber… mahirap po mag-plant noon, bahay niya ‘yun eh,” ani Sinas .
Ayon kay Sinas, nasa underground si Amanda dahil ang asawa nito ay lider ng armado sa NPA sa Cagayan Valley.
Si Echanis ay anak ng napaslang na si Anakpawis chairman Randall “Ka Randy” Echanis, ay naaresto sa Barangay Carupian sa Baggao, Cagayan sa ilalim ng search warrant na inilabas ni Judge Sheila Gacutan-Labuguen ng MTC 2nd Judicial Region nitong Nobyembre 27.
Sa kasalukuyan, nasa regional office ng Criminal Investigation and Detection Group si Echanis at ang sanggol nito na ipinilit isama.ayon sa mga pulis. Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa Department of Social Welfare and Development patungkol sa sanggol.
- Latest