_ngayon
^

Bansa

Virgin coconut oil epektib sa sintomas ng COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirerekomenda ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit sa virgin coconut oil (VCO) bilang ‘food supplement’ na napatunayang mahusay sa pagpapababa sa mga sintomas ng pasyente na may probable at suspect COVID-19 cases.

Ito ay makaraan ang positibong pag-aaral na isinagawa sa VCO ng Food and Nutrition Research Institute sa 57 probable at suspet COVID-19 patients na naka-quarantine sa isang pagamutan sa Sta. Rosa, Laguna.

Kalahati sa kanila ay binigyan ng VCO kasabay ng kanilang pagkain sa loob ng 28 araw. Matapos nito, malaki ang ibinaba ng sintomas sa ikalawang araw ng mga pas­yente na binigyan ng VCO at tuluyang wala nang sintomas sa ika-18 araw.

Ang kalahati na itinuring na ‘control group’ naman ay gumanda ang kundisyon sa ikatlong araw at tuluyang nawala ang mga sintomas sa pang-23 araw nila.

Sa kabila nito, nagpaalala pa rin si DOST Secretary Fortunato Dela Pena na kailangan pa rin ng mas masusing pag-aaral sa VCO para naman sa mga pasyente na may dati nang medical condition bago dapuan ng COVID-19.

Nabatid na ang anti-viral properties ng VCO ay mula sa monolaurin at lauric acid. Ang monolaurin ay matagal nang ginagamit sa mga hayop sa mga farm laban sa bacteria at mga virus upang maiwasan ang peste.

VCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with