Emergency use ng COVID-19 drugs, vaccine aprub ni Duterte
Sa kautusan na inilabas kahapon ng Malacañang, binigyan ng kapangyarihan ang director-general ng Food and Drug Administration (FDA) na magpalabas ng Emergency Use Authorization para sa bakuna na sa tingin ng mga eksperto ay ligtas at epektibo.
AFP/Joel Saget

Emergency use ng COVID-19 drugs, vaccine aprub ni Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 121 na magpapabilis sa pag-apruba ng COVID-19 vaccine.

Sa kautusan na inilabas kahapon ng Malacañang, binigyan ng kapangyarihan ang director-general ng Food and Drug Administration (FDA) na magpalabas ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa bakuna na sa tingin ng mga eksperto ay ligtas at epektibo.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang COVID-19 vaccines na ina­prubahan sa ibang bansa ay maaaring magamit sa Pilipinas matapos ang 21 araw mula sa kalimitang 6 na buwan na berepikasyon dahil sa EUA.

Nakasaad sa EO na dapat mayroong ebidensiya, dumaan sa trials at epek­tibo sa pagsugpo ng COVID-19 ang bakuna; mas matimbang ang bene­pisyo ng gamot o vaccine kaysa sa posibleng negatibong epekto; at walang ibang aprubado sa alterna-tibong gamot o vaccine para masugpo ang COVID-19.

Pinahintulutan din ni Duterte ang FDA na tanggapin ang regulatory decision ng World Health Organization, US Centers for Disease Control and Prevention, at iba pang kilalang organisasyon sa buong mundo.

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan ang executive order para magkaroon ng EUA para mapabilis ang pag-apruba sa COVID-19 vaccine na lubhang kailangan ngayong may pandemic.

Sinabi naman ni Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez Jr. na bukod sa tripartite agreement na nilagdaan noong nakaraang linggo para matiyak na may makukuhang bakuna ang Pilipinas, tinatrabaho na rin nila ang nasa 50 mil­yon hanggang 60 milyong doses para sa susunod na taon at nakikipag-usap na sa ibang bansa katulad ng China, Australia at India.

Tinitingnan na rin ng gobyerno ang iba pang vaccine companies sa Amerika, Russia at United Kingdom.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with