Face-to-face classes, paglabas ng mga bata sinopla ng DOH
Sinabi kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na maging sa mga probinsya at ibang mga lungsod ay walang nakakapagtala ng “zero cases” ng COVID-19. Tanging ang lalawigan ng Batanes pa lamang ang nakapagtala ng “zero cases” sa loob ng dalawa hanggang apat na linggong sunod.
Freeman/File

Face-to-face classes, paglabas ng mga bata sinopla ng DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi pa rin papayagan ang ‘face-to-face classes’ at ang pagpapalabas sa tahanan ng mga batang may edad 14-anyos pababa dahil patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

Sinabi kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na maging sa mga probinsya at ibang mga lungsod ay walang nakakapagtala ng “zero cases” ng COVID-19. Tanging ang lalawigan ng Batanes pa lamang ang nakapagtala ng “zero cases” sa loob ng dalawa hanggang apat na linggong sunod.

“‘Yung atin pong policy sa ngayon ay patuloy na no face-to-face classes,” giit ni Duque na base umano sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kung magbabago naman ng isip ang Pangulo, sinabi ng kalihim na dapat bumuo muli ng bagong regulasyon ukol dito.

Kasama sa maaaring maging regulasyon ay payagan ang ‘face-to-face classes’ sa mga lugar lamang na mababa ang kaso at may sapat na mga healthcare na pasilidad partikular sa ‘critical care.’

Kontra pa rin naman ang DOH sa panukala na payagan nang makalabas ng bahay ang mga batang may edad 14-anyos pababa maging ang 66-anyos pataas ngayong Kapaskuhan.

Katwiran ni Duque, hindi ‘exempted’ ang mga bata sa hawahan lalo na’t sa higit 400,000 kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 3% hanggang 5% ay mga bata.

“Ang posisyon namin hindi nagbabago. Hangga’t maaari we discourage that, dahil mayroon pa ring risk,” giit ni Duque.

CLASS DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with