Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero
Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic meter sa pagpasok ng Enero ng susunod na taon.
Philstar.com/Irish Lising, file

Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Epektibo sa Enero 1, 2021 ay magpapatupad ng bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa milyon nilang customers sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic meter sa pagpasok ng Enero ng susunod na taon.

Ang bawas singil ay dulot ng “foreign currency differential adjustment” (FCDA) dahil lumakas ang piso kontra US dollar at Japanese yen.

Balik na ang normal na suplay ng tubig sa mga customer ng Maynilad Water na nakaranas ng water interruption dahil sa ginawang paglilinis ng basin na pinasok ng bulto ng putik ang kanilang planta sa La Mesa Dam sa Quezon City.

MANILA WATER MAYNILAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with