Duterte nagbabala sa pagbuhay ng âKuratong Balelengâ
Nakarating sa kaalaman ng Pangulo na may mga pulis sa Zamboanga del Sur na nagtatayo ng sindikato.
Presidential Photo/King Rodriguez

Duterte nagbabala sa pagbuhay ng ‘Kuratong Baleleng’

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na nagbabalak magtayo ng grupo na katulad ng Kuratong Ba-leleng.

Nakarating sa kaalaman ng Pangulo na may mga pulis sa Zamboanga del Sur na nagtatayo ng sindikato.

“Ngayon, itong mga pulis kayong mga pulis, p**… May mga pulis diyan sa Zamboanga del Sur na nagtatayo ng parang reviving the itong gang ni humahawak sa Ozamiz? Kuratong Baleleng. Mayroon diyan, I read sa briefer,” ani Duterte.

Tiniyak ni Duterte na mamamatay ng maaga ang mga nasabing pulis at hindi nila kayang kalabanin ang gobyerno.

Sinabi rin ng Pangulo na mananatiling buhay ang Republika ng Pilipinas kahit pa mapatay si Interior Secretary Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“Better shape up… Gusto mamatay nang maaga. Hindi nyo kaya ang gobyerno. Patayin mo man si Año, patayin mo ako, patayin mo si ano, Lorenzana, buhay pa rin ang Republika ng Pilipinas,” ani Duterte.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with