Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon
Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth.
The STAR/File photo

Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon

Danilo Garcia, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insu-rance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth.

Giit ni Gordon, patuloy pa rin tataas ang bayarin ng PhilHealth dahil araw-araw ay may P25 milyon halaga ng COVID testing ang isinasagawa ng PRC na ipinapasagot sa PhilHealth.

Nakapagbayad na ang PhilHealth ng P500 milyon noong Oktubre at P100 milyon nitong Nobyembre. Nitong Nobyembre 5, sinabi ng pamahalaan na P700 milyon na ang nababayaran nila sa PRC.

Idinagdag pa ng Senador na lumalaki ang bayarin ng PhilHealth dahil hindi sila tumutupad sa usapan na kada ikatlong araw ay magbabayad sila, subalit sa ngayon ay nasa average na siyam na araw hanggang 12 araw bago umano magbayad ang PhilHealth.

PHILHEALTH PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with