Batang Cullamat, nakilahok sa NPA kaya namatay – Esperon

Angie dela Cruz, Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang nagpabatid ng pakikidalamhati si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa pagkamatay ni Jevilyn Cullamat, nilinaw nito na ang sanhi ng pagkamatay ng huli ay dahil sa pakikilahok nito sa New People’s Army.

Ayon kay Esperon, hin-di ang militar, kung hindi mismong ang ina nitong si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat at ang pamilya nito, na sumusuporta sa NPA, ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Jevilyn.

Kaugnay nito, giniit ni Esperon sa mga taga suporta ng NPA partikular na ang Makabayan bloc na huwag politikahin ang pagkamatay ni Jevilyn at tawagin siyang martyr.

Ayon kay Esperon, na-biktima ng NPA si Jevilyn sa pamamagitan ng paggamit sa kanya para protektahan ang kilusan kaya hindi siya dapat tawaging martyr.

“I refuse to call her as such. Jevilyn was not a martyr. She was deceived into sacrificing her life for a cause lacking legitimacy and noble purpose. She was a victim of manipulative organization that has taken advantage of her from the moment she was radicalized until her recruitment into the armed struggle,” ani Esperon.

Napatay si Jevilyn sa engkwentro noong Nob­yembre 29 sa Mariha­tag, Surigao del Sur sa pagitan ng militar at rebel­deng grupo. Base sa ulat, iniwan ng mga rebelde ang bangkay ni Jevilyn. Siya ay tumatayong doktor ng mga miyembro ng NPA SYP Platoon, Guerilla Front 19.

Ayon kay Esperon, noon pang estudyante si Jevilyn sa Tribal Indigenous Filipinos Phil-Surigao del Sur at Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), ay nahikayat na itong umanib sa kilusan.

Ikinalungkot naman ni Defense Sec. Delfin Lo­renzana, na tila ngayon nag-iingay si Cong. Cullamat dahil napatay ang kanyang anak. Marami nang NPA ang napatay subalit hindi naman narinig ang boses ng kongresista o ninuman.

Taong 1969 pa nagsi­mula ang pagsugpo ng militar sa NPA kaya hindi na bago ang mga napapatay na NPA members.

HERMOGENES ESPERON NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with