FDA: ‘COVID-19 cure’ food supplement ‘wag paniwalaan

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Admi-nistration (FDA) na huwag maniwala sa mapanlinlang na advertisements at promotion ng iba’t ibang uri ng food supplements na may tatak na “Botany-IV” na ibine­benta sa online gamit ang logo ng FDA sa kabila ng hin-di ito aprubado ng ahensiya.

Tinukoy ng FDA ang NANUsci Botany IV Essential Oil Blend Softgel na may ads na “Because respiratory viruses are inhaled, they enter your nose and throat first. They replicte there early on leading to throat soreness and irritation.’ Pag nakaramdam ng sore throat malamang nasa lalamunan mo na ang virus na nanggaling sa nasinghot mo...Mag BOTANY ka agad para habang nasa lalamunan mo pa lang ay mapatay na at hindi na malaglag sa baga mo.  ORDER HERE....”.

Ang nasabing essential oil ay nag-claim na sa loob ng 7 araw ay magaling na sa virus, pumapatay ng virus at immune booster ang Spirulina Botany IV habang ang Botany Plus for kids liquid at Botany IV for adults na may larawan at logo ng FDA approved ay 100% organic anti-virus & anti-inflammatory naman.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with