Utang ng Philhealth sa Red Cross lumobo uli sa P623 milyon dahil sa COVID-19 tests
Ipinakikita ng doktor na ito ang kanilang Natch RNA Extractor sa molecular laboratory ng Philippine Red Cross sa Maynila, Hunyo 2020.
The STAR/KJ Rosales, File

Utang ng Philhealth sa Red Cross lumobo uli sa P623 milyon dahil sa COVID-19 tests

James Relativo (Philstar.com) - December 2, 2020 - 10:58am

MANILA, Philippines — Matapos maantala noon ang mga coronavirus disease (COVID-19) testing dahil sa noo'y bilyong utang ng gobyerno sa Philippine Red Cross, lumalaki uli ang halagang hindi nababayaran ng state insurance agency na PhilHealth sa pribadong sektor — bagay na kanilang ikinababahala.

Ito ang isiniwalat ni Philippine Red Cross chairperson Sen. Richard Gordon sa panayam ng ANC ngayong Miyerkules.

"It’s really non-payment of bills on time that is killing us here. They owe us, as of December 1, P623,321,000. It’s a moving target," ayon kay Gordon.

"It keeps on moving and moving and we want to compress in such a way as in the original contract that they owe us only P100 million para hindi naman kami nasa alanganin."

Ito'y kahit una nang nabayaran ng PhilHealth ang nasa P500,000 milyong utang noong Oktubre at karagdagang P100 milyon noong Nobyembre.

Mas mura ang singil ng Red Cross sa ibang private facilities pagdating sa COVID-19 testing, na pumapatak lang sa P4,000. Nasa P4,500 hanggang P5,000 ang price range na itinakda ng Department of Health at Department of Trade and Industry pagdating sa presyo ng RT-PCR swab tests sa non-government laboratories.

Aniya, umaabot sa P25 milyon kada araw ang nagagastos ng Red Cross dahil sa COVID-19 testing: "The system is keeping your word. After we've sent the bill they must pay in three days. Right now, they're averaging practically nine days — sometimes even 12 days before they pay. Nadadarang 'yung resources namin, we cannot plan," sambit pa ni Gordon.

Oktubre nang itigil ng Red Cross ang COVID-19 testing services na kanilang ibinibigay sa gobyerno matapos hindi makapagbayad ng halos P1 bilyong utang ng PhilHealth, bagay na labis na raw nakaaapekto sa kanila.

May kinalaman: Red Cross won't restart COVID-19 testing until PhilHealth debt paid

Aniya, ang naturang utang ng gobyerno ay nakakaapekto na sa kanilang pagtugon sa iba pang kalamidad gaya na lang ng mga nakaraang sunod-sunod na bagyo.

"Right now, we are dealing with several systems of disasters. The disasters in Cagayan, in Isabela, and before that the disasters in Bicol. And these are hard to reach areas," patuloy pa niya.

"We are able to cope, but we can cope better if we have more leverage in terms of being able to buy the things we need. But right now, we are affected by that."

Sa ngayon, nagpapadala pa rin daw sila ng mga supply sa mga nasalantang lugar at pinaplanong makalikom pa ng suporta para matulungan ang mga magsasaka sa Cagayan at Isabela na matanggal ang mga putik na iniwan ng Typhoon Ulysses para makapagtanim uli.

Matatandaang tinawag na "mukhang pera" ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Red Cross matapos ilahad ni Health Secretary Francisco Duque III noong Nobyembre na matutuloy ang mga COVID-19 tests sa pagbabayad ng kalahati ng pagkakautang.

Binweltahan ito ni Gordon.

"Hindi kami mukhang pera. Ang sinasabi ko lang, dahan-dahan naman sa pananalita because nakakatulong naman kami," sabi ng PRC chairperson at senador noong nakaraang buwan.

"Hindi naman kami umutang. Sila umutang, kami nagpa-test, hindi ba dapat bayaran niyo?"

Basahin: Duterte sa Red Cross: ‘Mukhang pera’

May kinalaman: Red Cross bumwelta sa bansag na 'mukhang pera': Hindi kami ang umutang

NOVEL CORONAVIRUS PHILIPPINE RED CROSS RICHARD GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with