Magpapa-Christmas party pagmumultahin
Nana rito, inihayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na hindi papayagan ang Christmas party, Christmas caroling at mass gathering.
Edd Gumban

Magpapa-Christmas party pagmumultahin

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaaring patawan ng multa ang mga magdaraos ng Christmas party kung ilalagay sa local ordinance, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nana rito, inihayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na hindi papayagan ang Christmas party, Christmas caroling at mass gathering.

“Katulad po ng plano na hindi po papayagan ang Christmas party, hindi rin papayagan ang Christmas caroling, wala pong mass gathering. Iyon pong fa­mily reunion ay isang consi­dered na mass gathering,” ani Año.

Ayon naman kay Roque, maaaring utusan ang mga magsasagawa ng Christmas party na itigil ito pero depende pa rin sa ordinansa na ilalabas ng mga local government units.

“At the very minimum, they will be asked to disassemble, okay. Pero depende rin po sa ordinansa kasi wala po tayong pang-nasyonal na batas tungkol rito,” ani Roque.

Dagdag ni Roque na maaaring pagmultahin ang mga lalabag at maaari ring magpataw ng ibang parusa.

“Pupuwede po sigurong fine kung iyan po ay provided in a local ordinance; pupuwedeng iba pang parusa na nakalagay po sa local ordinance,” ani Roque.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with