21 kaso ng AIDS kada araw naitatala sa Pinas
Sa datos ng DOH HIV/AIDS at ART Registry of the Philippines (HARP), may kabuuang 81,169 HIV at AIDS cases na mula Enero 1984 hanggang Oktubre 2020.
The STAR/KJ Rosales

21 kaso ng AIDS kada araw naitatala sa Pinas

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglubha ng kaso ng AIDS sa Pilipinas na nakakapagtala ng 21 kaso kada araw.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na dahil sa naturang bilang, nahaharap ang bansa sa isang ‘public health threat’ bukod sa COVID-19 na kailangang agad maaksyunan katuwang ang lokal na mga komunidad, civil society organizations at ng populasyon ng bansa.

Sa datos ng DOH HIV/AIDS at ART Registry of the Philippines (HARP), may kabuuang 81,169 HIV at AIDS cases na mula Enero 1984 hanggang Oktubre 2020.

Nitong Oktubre, nasa 735 bagong kumpirmadong kaso ng HIV ang nadagdag. Sa kabuuang kaso, 94% o 76,216 ang lalaki at higit 51% nito ay nasa edad 25-34 taong gulang nang ma-diagnose na may HIV.

Ang National Capital Region ang may pinaka mara­ming kaso (30,622), kasunod ang Calabarzon (12,467), Central Luzon (8,005), Central Visayas (6,827), at Davao Region (4,477).

Nangako ang DOH na patuloy na magbibigay ng kalidad na serbisyo para malabanan ang pagkalat ng HIV-AIDS at para sa mga nahawa ng sakit.

AIDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with