Duterte: Makabayan, Bayan, Gabriela âfrontâ ng CPP-NPA
Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangang i-red-tag ang mga nasabing grupo dahil tukoy na ang mga ito bilang legal fronts ng National Democratic Front, New People’s Army at Communist Party of the Philippines.
STAR/ / File

Duterte: Makabayan, Bayan, Gabriela ‘front’ ng CPP-NPA

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Pagtatanggol ni Velasco nabutata

MANILA, Philippines — Itinuro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Makabayan bloc, Bayan, Gabriela at iba pang grupo bilang “legal fronts” ng komunista.

Tahasang sinabi ni Duterte na hindi kailangang i-red-tag ang mga nasabing grupo dahil tukoy na ang mga ito bilang legal fronts ng National Democratic Front, New People’s Army at Communist Party of the Philippines.

Ayon sa Pangulo, “communal war” na ang nangyayari at wala nang ipinaglalabang ideolohiya at gusto lang ng grupo na agawin ang gobyerno.

Tinawag pa ni Duterte na mga bobo ang sumusuporta kay CCP founding chairman Jose Maria Sison na hinamon niya ng debate.

Dahil dito, tila napahiya umano si House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol sa red-tagging issue sa Makabayan bloc.

Ito’y matapos ring sabihin ni Defense Sec. Delfin Lorenza na ang pagkakapatay sa bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn ay nagpapatunay na may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan bloc ay sumusuporta sa CPP-NPA.

Sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay tanging si Velasco ang umalma sa red-tagging sa Makabayan bloc at nagsabing walang sapat na ebidensya laban sa mga progressive solons. Binalaan pa nito si Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon na walang basehan.

“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations. General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence. These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,” nauna nang pagtatanggol ni Velasco.

Hamon tuloy ng supporters ni Duterte sa pangunguna ng DDS na si Mark Lopez, ngayong mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing front ng CPP-NPA-NDF ang Makabayan bloc ay dapat umaksyon si Velasco at hindi ang Senado ang dapat nagsasagawa ng imbestigasyon sa red-tagging dahil miyembro nila ang mga progressive solons.

Naniniwala ang mga supporters ni Pangulong Duterte na may hurisdiksyon ang Kamara para mapatalsik ang Makabayan bloc subalit nangangailangan ito ng inisyatibo mula kay Velasco. — Joy Cantos

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with