P4.5 trilyong national budget umusad na sa bicam

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng Kongreso ang “hybrid” bicameral conference meeting para sa panukalang P4.5 trillion national budget para sa 2021 sa Shangri-La Hotel sa Makati.

Pinangunahan ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance ang Senate contingent at physically present sa closed door conference sina Senators Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Bong Revilla at Pia Cayetano.

Habang sa panig ng Kamara ay nanguna dito si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap, Majority Leader Martin Romualdez, at Reps. Edcel Lagman, Roberto Puno, Mikee Romero, Joseph Bernos, at Caraps Paduano na physically present din.

Sumailalim naman sa antigen swab test ang mga mambabatas bago nagtungo sa kanilang meeting para masiguro na hindi sila carrier ng COVID-19, habang ang isa ay present sa pamamagitan ng teleconference.

Dakong alas-10 ng umaga ay nag-adjourned na ang meeting at itinalaga na lamang sina Angara at Yap na pag-usapan ang amendments sa panukala.

Sa inilatag na timeline ng Senate Committee on Finance, inaasahang maaprubahan ang bicam report sa Disyembre 9 kapag naging maayos ang pag-uusap.

Kapag nasunod ang itinakdang timeline, maaaring aprubahan ni Pangulong Duterte ang panukalang pambansang pondo sa Disyembre 16 para ganap na maging batas.

Tiniyak naman ng Kamara na magsisilbing pamaskong regalo ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang General Appropriations Bill (GAB) o ang P4.506T budget kay Pangulong Duterte na target isumite sa tanggapan nito sa loob ng 3 linggo.

Pag-iisahin ng Kamara at Senado ang final version ng pambansang pondo bago mag-adjourn ang Kongreso sa Disyembre 19. — Joy Cantos

SONNY ANGARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with